BBM-Sara inindorso ng Nacionalista Party ni Villar
MANILA, Philippines — Inindorso na rin kahapon ng Nacionalista Party (NP) ang kandidatura nina UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sa isang press statement, sinabi ni NP President Manny Villar na naniniwala ang kaniyang partido sa panawagan ng pagkakaisa ng tandem nina BBM-Sara.
“For the May 2022 elections, the Nacionalista Party fully supports the candidacies of Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. for President and Inday Sara Duterte for Vice President,” pahayag ni Villar.
Si Villar, real state magnate na dating Senate President ay ama ni dating DPWH Sec. Mark Villar, isa sa mga kandidatong senador ng UniTeam.
Ayon kay Villar, naniniwala ang NP sa plataporma sa gobyerno nina BBM-Sara gayundin sa kuwalipikasyon ng mga ito at track record para pamunuan ng pagkakaisa at payabungin pa ang bansa.
Magugunita na ang yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na ama ni BBM ay tumakbong Pangulo noong 1965 sa ilalim ng NP.
Samantala ang anak nitong si Marcos Jr. ay dating miyembro ng NP pero lumipat ito sa Partido Federal ng Pilipinas noong Oktubre 2021 bago nagdeklarang kakandidatong Presidente.
- Latest