^

Bansa

Taal ‘di nakikitaan ng major eruption – Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Taal �di nakikitaan ng major eruption � Phivolcs
Kahapon, 3 phreatomagmatic burst mula sa Main Crater ang naitala na nagdulot ng plume na may taas na 400-800 metro na napadpad sa timog kanluran.
AFP / Ed Jones

MANILA, Philippines — Hindi pa kinakikitaan ngayon ng major eruption ang Bulkang Taal hindi katulad ng pagsabog nito noong Enero 2020.

Ito, ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum ay dahil sa mga ipinakikitang aktibidad ng bulkan.

Kahapon, 3 phreatomagmatic burst mula sa Main Crater ang naitala na nagdulot ng plume na may taas na 400-800 metro na napadpad sa timog kanluran.

Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng 8 volcanic earthquake. May naganap ding upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng crater na lumikha ng plume na may taas na 2,400 metro.

Ang pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) ay humigit-kumulang 4,273 tonelada kada araw. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 63.7ºC noong Pebrero 25, 2022.

Kasalukuyang nakataas sa Alert Level 3 (Magmatic unrest) ang Taal.

Sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot sa ilalim ng Main Crater ay maaaring magdulot ng karagdagan o malakas na pagputok.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with