^

Bansa

10 taon kulong sa Pinoy na nakapatay ng Pinay sa Canada

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
10 taon kulong sa Pinoy na nakapatay ng Pinay sa Canada
Ito ay matapos aminin ng 22 taong gulang na suspek na si Carlo Castillo Tobias na inabangan nila si Maria Cecilia Loreto, 49, pag-uwi sa kanyang inuupahang apartment noong Marso 17, 2021.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sampung taong pagkakakulong ang inihatol sa isa sa dalawang Pinoy na sangkot sa pagkakapatay sa isang Pinay sa New Westminster sa Canada.

Ito ay matapos aminin ng 22 taong gulang na suspek na si Carlo Castillo Tobias na inabangan nila si Maria Cecilia Loreto, 49, pag-uwi sa kanyang inuupahang apartment noong Marso 17, 2021.

Matapos nito ay natuklasan ang sunog na bangkay ni Loreto sa Burnaby Park sa New Westminster.

Inamin ni Tobias ang ginawang krimen kung saan nagtago siya sa likod ng pinto ng apartment ng biktima at pagpasok nito sa bahay ay sinuntok niya ito sa mukha kaya’t agad nawalan ito ng malay.

Lumalabas sa rekord ng korte na dalawang beses sinaksak ng kitchen knife ng isa pang suspek na 15-taong gulang ang biktima habang nakahandusay ito sa sahig.

Matapos ang pagpatay ay binalot umano nila ng kumot ang katawan ng biktima saka dinala sa Burnaby Park kung saan sinunog nila ito.

Tinanggap naman ni New Westminster Judge Peter La Prairie ang early guilty plea ni Tobias at siya ay hinatulan na makulong ng 10 taon sa kasong manslaughter and acting as an accessory to murder after the fact.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na ang menor-de-edad na suspek ang nakapatay sa biktima batay sa medical at autopsy report.

Dahil dito kaya lilitisin para sa kasong first degree murder and indignity to human remains ang menor-de-edad na suspek na hindi na inilabas ang pangalan dahil na rin sa Youth Criminal Justice Act.

vuukle comment

CANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with