Jobless Pinoys bumaba sa 2.93 milyon
MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Enero 2022 sa kabila ng mas mahigpit na quarantine level sa Metro Manila.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 2.93 milyon na lamang ang mga walang trabaho o katumbas na 6.4 percent.
Mas mababa ito sa 3.27 milyon o 6.6 percent na walang trabaho noong Disyembre 2021.
Bumaba rin ang underemployment sa 14.9% noong Enero o 6.4 milyon kumpara sa 16.1% o 7.05 milyon noong Oktubre 2021.
Ang total employed population ngayong Pebrero ay nasa 43.02 milyon o 93%, mas mataas sa 92.6% na naitala noong Oktubre, sabi pa ng PSA.
Sa ngayon, umiiral pa rin ang Alert Level 1 sa Metro Manila dahil nagpapatuloy pa ang banta ng COVID-19.
- Latest