^

Bansa

Walk-in sa DFA, pwede na!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Walk-in sa DFA, pwede na!
This Oct. 12, 2021 photo shows the Department of Foreign Affairs - Office of Consular Affairs in Parañaque City.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Magpapatuloy na ang walk-in transactions sa lahat ng embahada at konsulado ng Pilipinas sa darating na Marso 21.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay sa isang tweet na ipinag-utos na ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. sa lahat ng Philippine embassies at consulates sa buong bansa ang pagbabalik ng pre-pandemic operations.

Samantala, ipinag-utos naman ni Locsin ang pagtanggap sa refugee applications habang gumagana ito sa isang kasunduan kasama ang Department of Justice (DOJ) na siyang may huling desisyon dito.

Magugunita na ini­ha­yag ng kalihim na tinanggap na ng Pilipinas ang mga Afghan refugees ilang linggo matapos na i-take over ng Taliban ang Afghanis­tan noong nakaraang Agosto.

Sa isang tweet sinabi ni Locsin na kabilang sa refugees ay mga bata at mga kababaihan.

Hindi naman tinukoy ng kalihim kung ilan ang bilang ng mga refugees subalit sinabi nitong welcome ang mga Afghan nationals sa bansa na gustong makatakas sa kaguluhan, pang-aabuso at kamatayan sa kanilang lugar.

 

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with