^

Bansa

Sa panahon ng pandemya: Kapag sumuko ka, talo ka!

Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Ito ang isang aral na nais ibahagi ng isang mag-asawang dating overseas Filipino worker sa mga nais pumasok sa negosyo kahit sa panahon ng pandemya. Na kapag agad kang sumuko sa mga pagsubok ay matatalo ka lang.

Nag-viral ang istorya ng mag-asawang Macx at Edwin Pantaleon dahil sa tagumpay ng kanilang negosyong ukay-ukay sa kabila ng mga naunang dinanas nilang kabiguan dulot ng pandemya na nagpabagsak sa maraming negosyo lalo na noong kasagsagan ng pananalasa ng Covid-19 sa unang hati ng 2020.

Noong Disyembre 2019, umuwi ang mag-asawang Pantaleon sa Pilipinas pagkaraang magbitiw sa kanilang mga trabaho sa Dubai sa United Arab Emirates para magtayo ng sarili nilang negosyo. Noong Enero 2020, sinimulan nilang magtayo ng isang computer shop sa Quezon City.  Namuhunan sila ng P400,000 dito para masustentugan ang kanilang mga pangangailangan.

Kaso nga, nangyari ang pandemya ng Covid-19. Wala silang magawa kundi isara ang kanilang computer shop. Ipinataw kasi ng pamahalaan ang pinamahigpit na enhanced community quarantine na nagpasara sa maraming negosyo tulad ng mga computer shop noong Marso 2020. Kumita lang sila noong Enero hanggang Pebrero nang taong iyon.

“‘Yun nga lang unfortunately nag-pandemic so from January to February lang siya open. And then pagdating ng March 15 or 17 nagclose na agad ‘yung computer shop namin. So after non, nagtry akong umisip ng ibang pagkakakitaan, inopen ko na try ko muna magbenta ng damit ko,” kuwento ni Macx sa isang ulat sa Philippine Star.

Noong Marso 2020, sinubukan ng mag-asawa ang kanilang suwerte sa ukay-ukay. “First bale is P9,000. Ang bumalik sa’kin is P2,000 lang. As in sobrang lugi talaga. Tapos merong time no’n sabi namin, ‘Ayoko na, tama na, tigilan na natin ‘to,’” sabi nila.

Pero determinado sila.  “Bahala na basta isugal na lang natin kasi nga sabi nila ukay is risky so bahala na kung anong mangyari. Tapos Merong time noon sabi namin, “Ayoko na, tama na, tigilan na natin ‘to.” Kasi nagsisimula palang ‘yung pandemic siyempre nag-start ‘yung business, ganoon naman talaga pag nagi-start,” sabi ni  Macx.

Pero, sa pagtitiyaga at sipag, nabawi ng mag-asawang Pantal;eon ang kanilang lugi sa una nilang negosyo sa Pilipinas.  Kumikita sila ngayon ng P300,000 sa ukay-ukay at live selling. Sinimulan din nila ang home-based food business para mabawi ang kanilang lugi nang taong iyon.

Sa ibayong pagsisikap nila nagsimulang lumago ang kanilang negosyo. Noong Abril 2020, nakatanggap sila ng 7,000 order mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at kumikita sila nang P300,000 hanggang P450,000 kada buwan. Dahil dito, nakabili sila ng isang segunda manong kotse at motorsiklo. Nakapagpatayo sila ng isang bahay sa Quezon City.

Pero ibinahagi ni Macx na hindi naman agad-agad ang kanilang tagumpay. Dumanas sila ng mga kabiguan at kahirapan patungo doon. “Kailangang mag-start ka talaga from the bottom.”

Sabi naman ni Edwin, hindi magiging posible ang tagumpay na ito kung sumuko na ang kanyang asawa sa una nilang pagkalugi.  “Buti matigas ang ulo niya. Nag-try ulit. Sugal ulit,” wika niya.   “Tatagan niyo ang loob niyo. Hindi nakukuha ang isang business sa one snap. Kailangan paulit-ulit mo siyang gawin. Kasi lahat naman ng naging businessman, kahit ano mang lahi niyan, ilang beses din naman nadadapa ‘yan. Ilang beses silang hindi kumikita kaso ‘yun nga kung susuko ka, ikaw ‘yung talo.”

Napaulat naman kamakailan sa TFC Channel ang istorya ng Pilipinang si Eva Pulido sa Haarlem, The Netherlands. Nabatid na 20 taon siyang nagtrabaho sa isang uniform factory sa naturang bansa. Ngayong 2022, nagpasya siyang tuparin ang matagal na niyang pangarap na magnegosyo sa pagbebenta ng mga pagkain at produktong Pinoy. Hindi siya kinabahang magbukas ng negosyo sa kabila ng umiiral na pandemya.

“Sa akin pagkain (kasi) walang talo, panalong-panalo ka,” sabi ni Pulido.

Dahil mahilig din ang mga Dutch sa oriental fusion, may tinda rin siyang bubble tea na patok sa mga turista. Sa unang araw pa lang, dagsaan na ang kanyang mga kustomer mapa-Pinoy man o ibang lahi.

“Mahilig akong kumain ng iba-ibang pagkain. 'Pag natikman ko na siya, ginagaya ko with my own version,” dagdag ni Pulido. Katuwang ni Pulido ang kanyang asawa at dalawang anak sa negosyo at pangarap niya na maging malaking restaurant ito sa hinaharap.

Sa tiyaga at tiwala sa sarili, pinatunayan ni  Pulido na pwedeng makipagsapalaran sa kabila ng hamon ng pandemya.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with