^

Bansa

Doc Willie ‘di nagpatinag sa kritiko na nais siyang paatrasin sa VP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinastigo ni Aksyon Demokratiko vice presidential candidate Dr. Willie Ong ang mga grupo na minamaliit ang pagtakbo niya katambal ni Manila City Mayor Isko Moreno at isinusulong ang ibang kandidato.

“Sabi nila mag-senador na lang ako, paano yun eh nandito na ako? Bakit di nila pababain yung iba? Unfair di ba?” pahayag ni Ong habang nasa campaign sortie sa Cabanatuan City.

Nitong Miyerkules, inilunsad ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ISAng Pilipinas Alliance sa pangunguna ni Vivian Velez.  Isinusulong ng alyansa ang kandidatura ni Moreno ngunit katambal si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ng isa sa convenor ng alyansa na wala silang problema kay Ong ngunit naniniwala sila na para lang sa kalusugan at medisina si Ong na maaari namang maging kalihim ng Department of Health (DOH).

“Mag-DOH secretary ka na lang? Paano yun? Mag-aapply ako mag-isa?” tanong pa ni Ong na naniniwala na wala nang makitang banat sa kaniya ang mga kalaban kaya sinasabihan na lamang siya na huwag nang sumali sa halalan.

Kinuha ni Moreno si Ong bilang katambal sa darating na halalan dahil sa pagiging doktor at kakayahan para makabangon ang bansa mula sa pagkakalubog sa pandemya. Sikat rin si Ong bilang vlogger kung saan mayroon na siyang higit pitong milyong subscribers sa Youtube at 16 milyon naman sa Facebook.

“Ang malungkot sa maduming pulitika, kahit marami akong followers, pagbukas mo ng Facebook, sisiraan kami,” dagdag niya.

Sa kabila nito, iginiit ni Ong na hindi siya sasabay sa maruming sistema ng politika at patuloy na mangangampanya ng malinis kasama ang kaniyang misis na si Dr. Liza Ong.

 

vuukle comment

WILLIE ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with