^

Bansa

Minimum wage pinarerebyu ng DOLE

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Minimum wage pinarerebyu ng DOLE
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang napakalaking pagtaas sa presyo ng petrolyo dulot ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine ay maaaring dahilan para magkaroon ng pagbabago sa minimum na sahod ng mga manggagawa ngayon.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Inatasan na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa bansa na bilisan ang pagsusuri sa umiiral na ‘minimum wage’ kada rehiyon upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa hirap dulot ng krisis sa langis.

Sinabi ni Bello na ang napakalaking pagtaas sa presyo ng petrolyo dulot ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine ay maaaring dahilan para magkaroon ng pagbabago sa minimum na sahod ng mga manggagawa ngayon.

Ang kasalukuyang minimum wage sa National Ca­pital Region (NCR) na P537 kada araw, halimbawa, ay maaaring hindi na sapat para matugunan ang pa­ngunahing pangangailangan ng mga manggagawa sa rehiyon.  Posibleng hindi na ito sapat sa pagkain, ­kuryente at tubig.

Sinabi ni Bello, chairman ng RTWPB, na pinakamalaking hamon sa kanila ang pagtatakda ng minimum wage kada rehiyon dahil sa kailangang balansehin ito. Hindi ito dapat masyadong mababa para maging sapat sa pangangailangan ng mga manggagawa at hindi rin dapat masyadong mataas para naman hindi makaapekto sa mga ne­gosyo na maaaring magsara.

Inamin ni Bello na nakatanggap na ang lahat ng RTWPB sa buong bansa ng petisyon para sa pagtataas sa minimum wage sa kani-kanilang lugar na nasasakupan. Isa umano sa petisyon na natanggap nila ay ang isang P750 increase sa buong bansa.

Inaasahan ni Bello na makapagsusumite na ang mga RTWPB ng kanilang mga rekomendasyon bago magtapos ang Abril.

Samantala, suportado ng Malacañang ang kautusan na i-review ang minimum na sahod. Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na si Bello ang “alter ego” ni Pangulong Duterte at gagawa ito ng mga desisyon na makakatulong sa bansa at sa mga mamamayan.— Malou Escudero   

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with