^

Bansa

Nilalaman ng TRO sa ‘Oplan Baklas’ lilinawin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pag-aaralan pa muna ng Commission on Elections (Comelec) ang nilalaman at sakop ng inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court laban sa ‘Oplan Baklas’ bago umaksyon dito.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na susuriin rin nila ang mga panuntunan ng kanilang ‘Oplan Baklas’ na kinukuwestiyon ng mga petitioner sa korte.

Unang naglabas ng TRO ang SC para ipatigil ang implementasyon ng Oplan Baklas habang hindi pa sila naglalabas ng resolusyon sa petisyon na inihain ng mga umano’y tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa mga petitioner, nilabag ng ‘Oplan Baklas’ ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag at kinuha ang kanilang posters na binili gamit ang sarili nilang pera at inilagay sa pri­bado nilang pag-aari nang walang pagsang-ayon sa kanila.

Binigyan ng SC ang Comelec ng 10 araw para sagutin ang pe­tisyon. Pero iginiit ni Garcia na umiiral pa rin ang panuntunan nila kontra oversized na campaign posters at hindi pa rin maaari na magkabit kung saan-saan.

“Ang ating mga kandidato, baka akala nila, porke’t may TRO ay kahit saan na lang makapaglagay. ‘Yan po, kailangan maliwanag at dapat mayroon po ka­ming guidelines,” ayon kay Garcia.

vuukle comment

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with