^

Bansa

Fuel subsidy sa PUVs, planong doblehin ng NEDA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Fuel subsidy sa PUVs, planong doblehin ng NEDA
Isinusulong din nila ang karagdagang fuel vouchers para sa agricultural producers sa pamamagitan nang pagdaragdag ng budget mula 500 milyon hanggang 1.1 bilyon, para sa distribusyon ngayong Marso at Abril.
STAR / File

MANILA, Philippines — Plano ng pamahalaan na doblehin ang fuel subsidy para sa public utility vehicles (PUVs) na mula ?2.5 bilyon ay gawing ?5 bilyon upang mabawasan ang impact nang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, bunsod ng gusot sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine.

Sa kanyang ulat kay Pang. Rodrigo Duterte sa Talk to the People nitong Lunes, sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua na ang unang tranche ng subsidy ay target nilang maipamahagi ngayong Marso habang ang ikalawang tranche naman ay sa Abril.

Ipinanukala rin niya na maisailalim na ang buong bansa sa ilalim ng pinakamaluwag na Alert Level 1 sa COVID-19 at buksan ang mga paaralan para sa face-to-face classes.

Isinusulong din nila ang karagdagang fuel vouchers para sa agricultural producers sa pamamagitan nang pagdaragdag ng budget mula 500 milyon hanggang 1.1 bilyon, para sa distribusyon ngayong Marso at Abril.

Ipinaliwanag ni Chua na kailangang dagdagan din ang oil buffer stock ng bansa mula sa kasalukuyang 30 hanggang 45 na araw, ngunit nangangailangan pa aniya ito ng batas.

Nauna nang nagpa-full tank ang mga motorista nitong Lunes ng gabi, bilang antisipasyon sa big-time fuel price hike na ipinatupad nitong Martes.

vuukle comment

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with