^

Bansa

Duterte naglabas ng EO sa paggamit ng Nuclear Power Plant

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte naglabas ng EO sa paggamit ng Nuclear Power Plant
Sa EO 164 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nais nito na magkaroon ng pambansang posisyon para sa Nuclear Energy Program na magiging daan sa pag-unlad ng bansa at maibigay sa mga mamamayan ang tunay na serbisyo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na nag-aatas na pag-aralan ang pagsasama ng nuclear power sa ginagamit na enerhiya sa bansa.

Sa EO 164 na nilagdaan ni Duterte, nais nito na magkaroon ng pambansang posisyon para sa Nuclear Energy Program na magiging daan sa pag-unlad ng bansa at maibigay sa mga mamamayan ang tunay na serbisyo.

Inatasan ni Duterte ang Nuclear Energy Program-Inter Agency Committee (NEP-IAC) na gumawa ng rekomendasyon at palawakin pa ang pag-aaral kung maaari pang gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at maging daan ito sa pagtatayo ng iba pang pasilidad para sa paggamit ng nuclear energy.

Nakasaad din sa EO na ang nuclear power ang posibleng maging solusyon sa tumataas na pangangaila­ngan sa suplay ng enerhiya kung saan ikokonsidera ang mga natutunan sa nakaraan at maging ang mga sinusunod na regulatory frameworks at best practices sa ibang bansa.

Ayon pa sa EO, titiyakin ng estado ang tahimik na paggamit ng nuclear technology kung saan ikokonsidera ang kaligtasan ng publiko, national security, energy self-sufficiency at maging ang pangangalaga sa kalikasan.

Base sa Public Perception Survey tungkol sa Nuclear Energy noong 2019, lumalabas na 79% ng mga Filipino ay sumusuporta sa posibleng paggamit at rehabilitasyon ng kasalukuyang nuclear power plant samantalang 65% ang sumusuporta sa pagtatayo ng bagong nuclear power plant at 78% ang nakahanda na magkaroon ng kaalaman tungkol sa nuclear energy.

vuukle comment

EO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with