^

Bansa

'May kasikipan': MRT-3, Metro Manila PUVs balik 100% capacity bukas

James Relativo - Philstar.com
'May kasikipan': MRT-3, Metro Manila PUVs balik 100% capacity bukas
MRT-3 commuters at North Ave. Station enter a train coach on Sept. 14, 2020.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Pwede na uli punuin ang mga tren, bus, eroplano atbp. public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila at 38 iba pang lugar kasabay ng pagsisimula ng Alert Level 1 sa ika-1 ng Marso.

Linggo lang nang aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bagong alert level systems at guidelines para sa mga nasabing lugar ngayong kumakalma ang COVID-19 situation.

"Katumbas ng 100% capacity ang 394 na pasahero kada bagon o 1,182 na pasahero kada train set," ayon sa Department of Transportation at MRT-3 (DOTr MRT-3), Lunes.

"Mula ito sa dating 70% passenger capacity ng mga tren na may katumbas na 276 na pasahero kada bagon o 827 na pasahero kada train set. Ang isang train set ay binubuo ng tatlong (3) bagon."

 

 

Pero paglilinaw nila, kailangan pa ring ipatupad ang minimum public health standards (MPHS) sa MRT-3 gaya ng:

  • pagsusuot ng face mask
  • pagbabawal magsalita, kumain, uminom, sumabot ng telepono
  • boluntaryong pagsusuot ng face shield

Patuloy pa rin naman daw magtatalaga ng mga train at platform marshals ang pamunuan ng MRT-3 sa mga tren at istasyon nito upang matiyak ang "kaayusan" at pagpapatupad ng MPHS.

"Ang pagtataas ng kapasidad ng mga tren ay bilang tugon ng pamunuan ng MRT-3 at Kagawaran ng Transportasyon sa pagtaas ng demand sa pampublikong transportasyon sa pagbubukas ng mas maraming establisimyento sa Metro Manila," dagdag pa ng DOTr at MRT-3.

Bago ang COVID-19 pandemic, kilala ang MRT-3 at mga bus sa pagsisiksikan ng mga pasahero. Sa ilalim ng Alert Level 1, pahihintulutan na rin ang 100% capacity sa lahat ng establisyamento, pampublikong sasakyan, kasama na ang lahat ng aktibidad na dating hinihigpitan.

"Ang mga pampublikong sasakyan ay papayagan na ring mag-operate ng 100% capacity kung ang biyahe ay mga nasa Alert Level 1 [areas] lamang," paliwanag ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa press briefing ng Palasyo kanina.

Paano sasakyang labas-masok sa Alert Level 2 areas pataas?

Pagdating sa mga sasakyang lalabas sa mga Alert Level 1 areas, naglatag ng guidelines ang Malacañang kung paano ang magiging siste.

"For public land transporatation, ang susunding kapasidad ay 'yung mas limitado ang pinapayagang sakay na pasahero," dagdag pa ni Nograles.

"Halimbawa, kung ang bus ay galing sa isang lugar na Alert Level 2 at papunta sa lugar na Alert Level 1 or vice versa, ang mas mahigpit na patakaran ng Alert Level 2 ang susundin. Again, this is for public land transporation."

Pagdating naman sa mga public transport sa himpapawid, karagatan at riles na labas-masok ng Alert Level 1 areas, 100% passenger capacity pa rin ang susundin.

Kahapon lang nang bumaba sa 1,038 ang bagong COVID-19 cases sa Pilipinas, dahilan para umabot na sa 3.55 milyon ang nahahawaan ng sakit. Kasalukuyang nasa 56,401 na ang namamatay dahil sa virus sa bansa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

KARLO NOGRALES

MRT-3

NOVEL CORONAVIRUS

PUBLIC TRANSPORTATION

TRAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with