^

Bansa

NCR, 38 probinsiya Alert Level 1 na

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
NCR, 38 probinsiya Alert Level 1 na
A resident cycles past a mural depicting frontline health workers wearing masks, along a street in Manila on November 10, 2021.
AFP/Ted Aljibe

Simula Marso 1-15

MANILA, Philippines — Simula bukas ay isasailalim na sa Alert level 1 ang National Capital Region (NCR) at 38 pang lalawigan sa bansa.

Sa inilabas na lista­han ng Inter-Agency Task Force (IATF), epektibo sa Marso 1 hanggang Marso 15 ilalagay na sa Alert Level 1 ang NCR, Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Gayundin ang Bata­nes, Cagayan, Santiago City, Isabela at Quirino habang sa Region 3 ay Pampanga, Angeles City, Bataan, Aurora, Olongapo City, Tarlac at Bulacan.

Sa Region 4A ang Cavite at Laguna, gayundin sa Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon; Naga City at Catanduanes.

Sa Visayas: Aklan, Guimaras, Bacolod City, Capiz, Siquijor, Biliran, Zamboanga City, Caga­yan de Oro City, Camiguin at Davao City.

Habang ang mga hindi nabanggit ay nasa Alert Level 2.

Sa kasalukuyan ay wala ng nasa Alert Level 3 sa buong bansa.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na naging matagumpay ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa panga­ngasiwa at pagbalanse ng buhay at kabuhayan ng mga mamamayan kaya’t napababa na ang mga kaso ng COVID-19.

Muli na rin namang nabuksan ang lahat ng sektor simula pa noong nakaraang taon, na nagresulta sa pagsisimula muli ng recovery at pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Plano na umano nitong alisin ang natitira pang restriksiyon sa ope­rating capacity, physically barriers, at wala na ring ipaiiral na age restrictions.

Gayunman, kinaka­ilangan pa rin umano ng mga mamamayan na tumalima sa mga umiiral na health protocols gaya nang pagsusuot ng face masks, mag-obserba ng social distancing at regular na maghugas ng kamay.

Paiigtingin pa rin lalo ng pamahalaan ang kanilang vaccination drive upang matiyak na ang mga mamamayan ay protektado na laban sa COVID.

Habang ang face-to-face classes naman para sa basic education ay subject pa rin sa approval ng Office of the President.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with