^

Bansa

Ka Leody kumasa sa rights group: De Lima palalayain kung palarin sa 2022

Philstar.com
Ka Leody kumasa sa rights group: De Lima palalayain kung palarin sa 2022
Litrato nina Sen. Leila de Lima (kaliwa) at 2022 presidential candidate Ka Leody de Guzman (kanan)
AFP/Noel Celis, File; Mula sa Facebook page ni Ka Leody de Guzman

MANILA, Philippines — Nanindigan ang kandidato sa pagkapangulo na si Ka Leody de Guzman na dapat nang palayain ang isang senadora't human rights advocate na ikinulong sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte "bilang bahagi ng oposisyon."

Miyerkules nang manawagan si Brad Adams, Asia director ng Human Rights Watch (HRW), sa mga kumakandidato sa pagkapangulo sa 2022 na bawiin ang mga kaso laban kay De Lima — na  limang taon na sa kulungan sa Huwebes. 

"Matagal na akong naniniwala na biktima ng malisyosong atake si Senadora Leila De Lima ng rehimeng malupit sa mga dukha, at gayundin sa mga pampulitikang oposisyon," ani De Guzman, isang labor leader, sa inilabas na statement kanina.

"Patuloy din tayong naninindigan at nanawagan na dapat itigil ang harassment sa kanya at agad palayin para makapiling ang kanyang ina at pamilya."

Ika-24 ng Pebrero nang sumama si De Lima sa kanyang arresting police officers sa Lungsod ng Pasay matapos kasuhan ng tatlong drug trafficking charges, na kalaunan ay inamyendahan para maging "conspiracy to commit drug charges."

Isang kilalang kritiko ng human rights record ni Digong, pinararatangan si De Lima na "tumanggap" daw ng pera mula sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison noong siya'y kalihim pa ng Department of Justice.

Hulyo 2021 pa lang nang ianunsyo ni De Lima na tatakbo siya uli sa pagkasenador sa 2022. Kasama siya sa mga ineendorso ngayon nina De Guzman, presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo, Liberal Party at 1Sambayan.

Paniwala ni De Lima, ang tanging kasalanan niya ay ang pagsasalita laban sa extrajudicial kilings sa ilalim ni Digong, habang ang mga "big-time" drug lords daw gaya ni Peter Lim ay hindi maiharap ni Duterte sa korte.

"Senator de Lima’s long-term wrongful detention exemplifies the lawlessness and cruelty of the Duterte administration," ani Adams.

"Candidates for president should commit to free De Lima immediately and to rebuild the Philippines’ tarnished criminal justice system to meet international standards." — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

HUMAN RIGHTS WATCH

LEILA DE LIMA

LEODY DE GUZMAN

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with