^

Bansa

Malacañang ‘hands off’ sa Oplan Baklas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil isang independent na constitutional body, hindi pakikialaman ng Malacañang ang anumang programa ng Commission on Elections kabilang na ang “Oplan Baklas” program kung saan tinatanggal ang mga posters ng kandidato na lumalabag sa itinakdang alituntunin.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa halalan ay sakop ng Comelec.

“We know na based on the Constitution na ang Comelec is an independent constitutional body. So, for election related activities, it’s really Comelec’s rules and regulations ang mai-implement o i-implement ng Comelec based on its constitutional mandate,” ani Nograles.

Maaari naman aniyang gumawa ng legal na hakbang ang mga kumukuwestiyon sa pagbabaklas ng mga campaign posters at tarpaulins ng mga tumatakbong kandidato.

Nauna rito, inihayag din ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaaring maghain ng reklamo sa Comelec ang sinuman kaugnay sa “Oplan Baklas” program.

Naglaan ang Comelec ng common poster areas sa mga pampublikong lugar katulad ng palengke, plazas, matataong lugar sa mga siyudad at munisipalidad na inaprubahan ng Election Officers.

vuukle comment

OPLAN BAKLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with