^

Bansa

Create Act magsusulong ng insentibo sa sapat na supply ng pagkain, modernong agrikultura

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sapat na supply ng pagkain sa mababang presyo at modernong agrikultura na naglalayong mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa ang mga insentibong makakamit sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

Ito ang tiniyak ni House Committee on Ways and Means Chairman, 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, pangunahing may akda ng CREATE Act.

Ayon kay Salceda, masugid siyang nakiki­pagtulungan sa mga Kalihim ng Finance, Trade and Industry at Agrikultura para maisama ang ílang kritikal na subsectors ng agrikultura sa Strategic Investment Priorities Plan (SIPP), ang listahan ng nga industriyang karapat-dapat na tumanggap ng mga insentibo sa ilalim ng naturang batas.

Ipinaliwanag ni Salceda na sa pamamagitan ng mga insentibo para sa mahahalagang sektor ng industriya ay mapapababa ang gastusin sa produksiyon at maisusulong ang modernisasyon ng agrikultura na siya namang magpapababa sa presyo ng mga pagkain at katiyakan ng suplay nito. Aniya, ito ang positibong hakbang sa pagpapasigla ng agrikultura at produksiyon ng pagkain para huwag nang mag-import pa ang Pilipinas sa ibang bansa.

vuukle comment

CREATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with