^

Bansa

Libreng tulong legal sa mga baryo isusulong ni Chel Diokno

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni senatorial candidate and human rights lawyer Chel Diokno na magkakaroon ng agarang tulong legal ang mga inaapi at mahihirap na Pilipino upang magkaroon sila ng laban at patas na pagkakataon sa paghahabol nila ng katarungan.

“Ano ang itsura ng hustisya? Pagkaing sapat, sa presyong abot ng lahat. Trabaho, ‘di endo. Proteksyon kaysa ebiksyon. Tulong imbis na kulong,” wika ni Diokno.

Sa kanyang 30 taong karanasan bilang abogado, batid ni Diokno ang sitwasyon ng kataru­ngan sa bansa, kung saan naaalisan ng karapatan ang mahihirap na Pilipino dahil wala silang makuhang libreng tulong legal.

Para maresolba ito, sinabi ni Diokno na isusulong niya ang paglalagay ng libreng tulong legal sa bawat baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na itinatag niya sa kanyang page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan nang libre kapag siya’y nanalo sa Senado.

Makakatulong din ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang tambak ng kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang, sabi pa ni Diokno.

 

vuukle comment

CHEL DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with