^

Bansa

9 MILF patay sa ambush!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi habang tatlo pa ang malubha nang tambangan ng mga armadong lalaki mula sa paksiyon ng separatistang grupo sa malagim na clan war sa Brgy. Tambunan II, Guindulungan, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Peges Mamasainged alyas Commander Black Magic, Sadam Mamasainged, Sadre Mamasainged, Johari Mamasainged, Kamaro Mamasainged, isang alyas Tani at tatlo pa na pawang mga aktibong miyembro ng MILF.

Sugatan sina Anwar Dimasinsil, Mangi Mamasainged at Banarin Luma­lag.

Sa report ng Police Re­gional Office (PRO)-Bangsamoro Autonomous Region (BAR), nangyari ang ambush sa convoy ng mga biktima sa Sitio Dam, Brgy. Tambungan II, Guindulu­ngan, Maguindanao dakong alas -8:30 ng umaga nitong Sabado.

Ang grupo ni Comman­der Black Magic ay lulan ng Mitsubishi Montero at Ford Ranger patungo sa Brgy. Kalumanos, Guindulungan, nang paulanan ng bala ng grupo ni Jordan Mama Lintang alyas Commander Jordan at anak na si Morsid Mama Lintang alyas Ngelong.

Matinding alitan ng angkan ng naturang mga pamil­ya ang nakikitang motibo sa pananambang.

Nagdeploy na ang Guindulungan Municipal Police Station (MPS) at tropa ng mga sundalo sa lugar para panatilihin ang peace and order.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with