^

Bansa

Bong Go: Pagtatayo ng Philippine-CDC, ipasa na!

Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng mga hamon na dala ng pandemya at mga banta na dulot ng mga krisis sa kalusugan sa hinaharap, nanawagan si Senate Committee on Health chairman at Senator Christopher “Bong” Go para sa pagpapasa ng Senate Bill No. 2505 na kanyang iniakda at inihain noong Mayo ng nakaraang taon na naglalayong itatag ang Philippine Center for Disease Control and Prevention (CDC).

Sinabi ni Go na isa sa kanyang mga prayoridad ay gawing mas handa ang sistema ng kalusugan ng bansa sa pagtugon sa mga darating na krisis sa kalusugan.

“Ito ang dahilan kung bakit nakapagpasa na tayo ng 24 batas para sa upgrade at pagtatatag ng mga health facility sa bansa.  Nagpasa rin kami sa ikatlong pagbasa ng 15 karagdagang mga hakbang na mas makadaragdag sa pagpapabuti ng ating mga pasilidad sa kalusugan,” ani Go na nagsabing dahilan ito upang ihain niya ang panukalang magtatatag sa CDC.

Ang CDC ay mangungunang ahensya para sa pagbuo ng mga pagkontrol, pag-iwas at pagpapakilala sa pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa bansa.

Sinabi ni Go na sa ibang mga bansa, ang Centers for Disease Control ay naging instrumento sa paglaban sa virus.

Ang ilan sa mga pangunahing tungkulin ng iminungkahing CDC ng Pilipinas ay kinabibilangan ng pagbuo ng patakaran at mga pamantayan, pagtuklas at pagsubaybay sa sakit, pagkolekta at pagsusuri ng data, mga komunikasyon sa pampublikong kalusugan, at pagbubuo ng pananaliksik at ebidensya.

Sa pagtatatag ng CDC, nagpahayag ang senador ng kumpiyansa na mas magiging handa ang bansa para harapin ang anumang public emergency sa hinaharap.

vuukle comment

CDC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with