^

Bansa

Guanzon nakakuha ng 'prank' food deliveries sa huling araw sa Comelec

Philstar.com
Guanzon nakakuha ng 'prank' food deliveries sa huling araw sa Comelec
Litrato ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon
Mula sa Twitter account ni Rowena Guanzon

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagreretiro ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon mula sa serbisyo ang pagpapadala sa kanya ng "bogus" deliveries ng ilang indibidwal — ito matapos ang boto niya para i-disqualify si dating Sen. Bongbong Marcos mula sa 2022 presidential elections.

Sinasabing anim hanggang pitong delivery riders ang nagdala ng mga naturang delivery sa Palacio del Gobernador (Comelec main office), bagay na nagkakahalaga ng P5,390, sabi ng GMA News.

"Since last night there are bogus food delivery orders to @COMELEC under my name. Police are investigating. Beware!" ani Guanzon sa isang tweet, Miyerkules ng umaga.

"Ang sasama nila. Kawawa mga pobreng food riders."

Ito ang kanyang anunsyo sa huling araw niya sa Comelec ngayong ika-2 ng Pebrero, habang nagkakaroon ng iringan kay Commissioner Aimee Ferolino. 

Si Ferolino ang ponente ng Marcos case, na siyang inaakusahang nakikipagsabwatan sa isang "senador" para i-delay ang paglalabas ng desisyon sa DQ petition. Ang hatol ay hindi pa rin isinasapubliko hanggang ngayon.

Una nang hiniling ng Partido Federal ng Pilipinas, na partido ni Marcos, na ipa-disbar tanggalan ng retirement benefits at pensyon si Guanzon dahil sa paglalabas agad ng kanyang boto kahit na wala pa ang pormal na promulgation ng kaso.

Sa kabila nito, inirereklamo ni Guanzon na may "unreasonable delay" na sa paglalabas ng desisyon kahit napag-usapan nang isapubliko ito noong ika-17 ng Enero. 

Dati na ring pinadalhan ng mga bogus food deliveries ang 2022 presidential candidates na sina Bise Presidente Leni Robredo at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Nobyembre 2020 lang aprubahan ng Kamara ang House Bill 7805 o Internet Transactions Act, bagay na magpapataw ng parusa sa mga pekeng orders ng pagkain at groceries na nagdudulot ng sandamukal na perwisyo.

Ang nabanggit na panukala ay nasa Senado na sa kasalukuyan. — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

FOOD DELIVERY

ROWENA GUANZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with