^

Bansa

Pag-rehabilitate sa Marawi pinabibilisan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Partido Reporma senate candidate Dra. Minguita Padilla ang gobyerno na madaliin ang proseso ng rehabilitation sa Marawi, lalo’t marami aniyang residente doon ang naghihintay hanggang ngayon na makabalik sa kanilang mga tahanan.

“Ang sabi ng gobyerno mga 75 to 80 percent nang na-rehabilitate ang Marawi, pero ang sabi ng mga taga-roon malayo pa raw,” giit ni Padilla.

“Baka raw kalsada lang ang binabanggit ng Task Force Bangon Marawi (TFBM), pero ‘yung ibang imprasuktura wala pang naaayos,” dagdag pa ng doktora.

Isa si Padilla sa mga naunang nagsagawa ng relief efforts sa Marawi matapos matupok ang makasaysayang lugar na ito sa Mindanao dahil sa limang buwang giyera ng militar at mga militanteng grupong kaanib ng Islamic State (IS) noong 2017. Nagpadala mismo si Padilla noon ng dalawang truck na puno ng mga gamot at iba pang relief goods para sa mga na-displace na residente ng Marawi.

“Nakalulungkot na mag-lilimang taon na simula nang nangyari ‘yung Marawi siege e hindi pa rin makabalik ang mga tao sa lupang kinalakihan nila,” sabi ni Padilla.

Ikinatuwa naman ni Padilla ang pagpasa sa third and final reading sa Senado ang Marawi Victims Compensation Act.

Naunang naipasa ito ng Kamara at ngayon ay maaari na itong maisabatas ng Pangulo. Makakatulong aniya ito sa mga displaced residents na makabangon muli.

vuukle comment

MARAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with