Paglaganap ng bagong COVID-19 variant malabo sa susunod na 3 buwan – expert
MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na hindi kumalat ang bagong variant ng COVID-19 sa susunod na tatlong buwan.
Ito ang sinabi ni Dr. Rontgene Solante, hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit ng San Lazaro Hospital kahit pa may sumulpot na bagong variant dahil may protection anya ang mga tao sa virus dahil sa natanggap ng mga itong bakuna.
Dahil dito, sinabi ni Solante na dapat ang lahat ay mabakunahan na upang higit na maprotektahan ang kalusugan mula sa anumang variant na maaaring pumasok sa bansa.
“There is still a possibility that another variant of concern may emerge, but the likelihood of a variant of concern as deadly as Delta may not be has a remote possibility that it will occur in the next three months because mayroon pa tayong protection against Omicron,” sabi ni Solante.
Sinabi nito na ang COVID mutation ay maaaring mangyari lamang sa mga taong hindi pa bakunado.
Ang mga taong na-infect naman ng virus sa panahon ng paglaganap ng Omicron ay pansamantala ring hindi tatamaan ng anumang variant na papasok sa bansa.
- Latest