^

Bansa

Benepisyo, allowance ng public, private health workers lusot na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Benepisyo, allowance ng public, private health workers lusot na
Nagdaos kahapon ng protesta ang mga health workers ng Jose Reyes Memorial Medical Center para kalampagin ang gobyerno na ibigay na ang kanilang mga benepisyo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang magbibigay ng benepisyo at allowance sa mga public at private health workers sa panahon ng state at national public health emergency sa gitna ng pandemya.

Sa botong 23-0-0, ina­prubahan ang Senate Bill 2421 o COVID-19 Benefits and Allowances For Health Workers Act of 2022.

Sakop ng panukala ang lahat ng public at private health workers, anupaman ang employment status ng mga ito sa panahon ng state of public health emergency.

Maging ang non-me­dical worker at outsourced personnel na kinuha sa ilalim ng institutional o individual contract of service o job order basis na itinalaga sa mga health facility na may kinalaman sa COVID-19 response.

Sa ilalim ng panukala, ang COVID-19 Risk Allowance ay ibibigay kada buwan na isinilbi nito at ang halagang ibibigay ay depende sa ‘risk exposure categorization’.

Para sa mga nakatalaga sa low-risk areas, bibigyan sila ng P3,000 allowance, P6,000 sa medium risk areas at P9,000 sa high-risk areas.

Nakasaad din sa panukala na magbibigay ng kompensasyon sa sanda­ling nagkasakit o namatay dahil sa COVID-19 habang nasa duty sila.

vuukle comment

HEALTH WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with