^

Bansa

‘No physical contact’ sa kampanya mahirap ipatupad - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�No physical contact� sa kampanya mahirap ipatupad - DILG
Kasabay nito, nilinaw rin naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na hindi ang DILG ang nag-utos na ipatupad ang naturang polisiya kundi ang Commission on Elections (Comelec), sa pamamagitan ng resolusyon na inisyu nito.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Aminado ang isang opis­yal ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na mahihirapan silang ipatupad ang ‘no physical contact policy’ sa panahon ng kampanyahan para sa May 9, 2022 polls ngunit tiniyak na gagawin nila ang lahat upang mahigpit itong maipairal.

Kasabay nito, nilinaw rin naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na hindi ang DILG ang nag-utos na ipatupad ang naturang polisiya kundi ang Commission on Elections (Comelec), sa pamamagitan ng resolusyon na inisyu nito.

“Well let me first clarify. It is not the DILG that made this policy. It is the Comelec and it just so happened that every election we are deputized by the Comelec to enforce the policies of Comelec and hindi po ito kami. It’s Comelec in a re­solution which they issued last November, Resolution No. 10732,” ani Malaya.

“Ako at the onset, sasa­bihin ko sa iyo medyo mahirap po talagang ipatupad itong mga policy na ito but we will do our best insofar as the DILG is concerned,” aniya pa.

Sinabi rin ni Malaya na nagpalabas na si DILG Secretary Eduardo Año ng advisory para sa lahat ng local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga campaign activities na pinapayagan at hindi pinapayagan sa panahon ng halalan.

Una nang sinabi ni Año na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang physical contact sa pagitan ng mga kandidato at mga botante sa panahon ng pangangampanya, kabilang dito ang pagkamay, pagyakap, beso-beso, arm-to-arm at iba pang uri ng physical contacts, gayundin ang pagse-selfie at distribusyon ng mga pagkain at inumin at iba pang items, lalo na ang cash.

Kung nasa Alert Level 1 naman ay walang limit sa bilang ng tao na maaa­ring isama sa kampanya, habang ang isang kandidato o campaign leader ay dapat na samahan lamang ng maximum na limang campaign support staff sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

Sa Alert Level 3, ang kandidato o campaign lea­der ay maaaring magsama ng maximum na tatlong campaign support staff habang bawal naman ang ‘in person campaigning’ sa Alert Level 4 at 5.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with