^

Bansa

‘No vax, no ride’ tatanggalin sa Alert Level 2

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�No vax, no ride� tatanggalin sa Alert Level 2
Mahigpit na ring nagpatupad ng “no vaccination card, no entry” sa Balintawak Public Market sa Quezon City para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod. prevent the further spread of COVID-19 in the city.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na tatanggalin ang “No Vaccine, No Ride” policy na ipinatutupad sa National Capital Region sa sanda­ling ibaba sa Alert Level 2 ang NCR.

Ginawa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pahayag sa gitna ng mga panawagan na ibaba sa Alert Level 2 ang NCR dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Hanggang sa Enero 31 iiral ang kasalukuyang Alert Level 3 sa NCR.

Sinabi ni Nograles na base sa mga ipinasang ordinansa, iiral lamang ang ‘no vax, no ride’ policy sa Alert Level 3 at mas mataas na alert level system.

“You have to go back to the ordinance. I believe the ordinances really state that the limitations or restrictions are only for Alert Level 3 and higher…So when you say– pag nag-deescalate ka you can no longer implement it,” ani Nograles.

Matatandaan na ipinatupad ng mga local go­vernment units (LGUs) ng Metro Manila ang “no vaccine, no ride” policy nang tumaas ang bilang ng may COVID-19.

Kinumpirma naman ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, Jr., na ititigil ang pagpapatupad ng ‘no vaccine, no ride’ policy kapag naging Alert Level 2 na ang NCR.

“Gusto ko po sanang linawin sa lahat ng ating manonood na ang policy po, ang “no vax, no ride” policy ng DOTr under Department Order 2022-01, ay valid lang po dito sa loob ng NCR. Linawin ko lang po iyon, iyon po ay para sa NCR, dito lang po sa atin valid iyon. At valid lang po ito habang ang NCR po ay nasa Alert Level 3 or mas mataas. Kapag bumababa po ang ating alert level dito, masususpinde na po iyong polisiya,” ani Tuazon.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with