^

Bansa

Anti-sexual abuse bill sa mga bata, aprub ng House panel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Anti-sexual abuse bill sa mga bata, aprub ng House panel
Bawal sa ilalim ng ‘Anti-Sexual Abuse or Exploitation of Children’ na gawing ‘object of desire’ ang mga bata na nasa 18-anyos pababa via electronic o maging sa pamamagitan ng iba pang devices.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa panel ng Kamara ang panukalang batas na nagbibigay proteksyon sa mga bata  laban sa lahat ng uri ng sexual abuse at exploitation.

Sa isinagawang virtual meeting ng panel ay pinagtibay ang pinagsamang mga substitute bills 7465, 7633, 7718,7825, 7947 at 8760.

Bawal sa ilalim ng ‘Anti-Sexual Abuse or Exploitation of Children’ na gawing ‘object of desire’ ang mga bata na nasa 18-anyos pababa via electronic o maging sa pamamagitan ng iba pang devices.

Sinabi ni 2nd District Zambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla, isa sa may akda, na isa ito sa mga prayoridad na maipasa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinasabing sa panahon ng pandemic ay tumaas ang online sexual abuse at exploitation sa mga bata.

Nililinaw rin na ang pagpayag ng mga bata sa kalaswaan ay hindi sapat na depensa.

Sinumang mapatunayang guilty sa paglabag sa nasabing panukalang batas ay papatawan ng P2 milyon hanggang P20 milyon multa at pagkakabilanggo ng reclusion perpetua o habambuhay.

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with