^

Bansa

Imported na ‘GG’ malamang sa Pinas din galing - Dra. Padilla

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos mag-anunsiyo ang Department of Agriculture (DA) na mag-aangkat ang bansa ng 60,000 metric tons ng galunggong, sinabi ni Partido Reporma senate candidate Dra. Minguita Padilla na malamang galing din sa bansa ang bibilhing isda ng gobyerno.

“Napapakamot na lang ng ulo ang ilan sa ating mga kababayan, kasama na ako, sa hakbang na ito ng DA,” sabi ni Padilla. “Saan tayo bibili ng ganung karaming galunggong? Sa China? Alam naman natin ang ating maritime dispute sa bansang iyan.”

Giit ng pambato ng Partido Reporma na kinakailangang buhusan ng budget ang agrikultura at pangingisda sa bansa, lalo na ang mga daungan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

“Una, kailangan nating magdagdag ng mga ports. Mahigit pitong libong isla ang mayroon sa bansa, madaming coast lines yan. Pangalawa, kailangan maglagay tayo ng infrastructure kung saan maaaring itago muna ang mga bangka, lalo na kung alam natin na may parating na bagyo,” paliwanag ni Padilla.

Paliwanag pa ng doktora na maliliit lamang ang mga bangka ng mga mangingisda sa bansa, dahilan kung bakit kaya naman sanang maisalba ang mga ito sa hagupit ng mga bagyo.

“Kailangan din nating maglagay ng mga canneries at cold storage facilities na malapit sa ating mga ports. Sa ganitong paraan, mas maraming produktong mapo-produce ang ating mga fisher folk mula sa kanilang huli,” sabi ni Padilla.

Dagdag pa ng doktora na ang mga LGUs o kooperatiba ay puwede ring mag-invest sa reefer vans, o mga truck na may mga freezer, para hindi mabulok ang mga isda at iba pang lamang-dagat kapag pinapadala ang mga ito sa malalayong lugar.

 

vuukle comment

FISH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with