^

Bansa

COVID-19 saliva tests, isinulong

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 saliva tests, isinulong
Ayon kay Philippine Red Cross chairman Senador Richard Gordon , bagama’t kinikilala niya na mayroon pang ongoing na pag-aaral ang DOH tungkol sa homemade antigen tests, ay mas mura naman ang saliva test.
Philippine Red Cross, file

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Philippine Red Cross chairman, Senador Richard Gordon ang Department of Health (DOH) na gamitin ang saliva tests para mapataas ang kapasidad sa pag-detect ng COVID-19 infections sa bansa.

Ayon kay Gordon, bagama’t kinikilala niya na mayroon pang ongoing na pag-aaral ang DOH tungkol sa homemade antigen tests, ay mas mura naman ang saliva test.

Mas maigi anya na gamitin ng DOH ang saliva test sa halip na maglagay ng sariling administered antigen na irereport mo pa.

“Ang problema sa antigen... ‘pag nag-po­sitive ka, mayroon false positive, kung minsan nagpo-false negative,” paliwanag pa niya. “Kaya mabuti na ‘yong RT-PCR pero... mas mura ‘di hamak ang saliva test. ‘Yan ang itutulak ko sa mga probinsiya.”

Una nang pinayagan ng DOH ang PRC na magsagawa ng saliva testing, na nagkakaha­laga lamang ng ?2,000 kumpara sa RT-PCR tests na ang presyo ay nasa pagitan ng ?3,000 hanggang ?5,000.

Nagpahayag din ng paniniwala si Gordon na makatutulong ang testing upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with