^

Bansa

Pagpapalakas sa sektor ng edukasyon, siniguro ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si Senator Christopher “Bong” Go na susuportahan at isusulong ang mga hakbang na magpapalakas sa sektor ng edukasyon at magtataguyod ng pinakamahusay na interes at kapakanan ng mga mag-aaral at guro.

Ginawa ni Go ang pagtiyak sa thanksgiving tribute na inorganisa ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) para sa  mga may-akda ng Proprietary Educational Institutions Tax Act.

Noong Huwebes, Enero 20, sumama si Go sa iba pang mga may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11635 dahil pinuri sila sa pagpapasa ng panukalang epektibong nagpapababa sa rate ng buwis ng mga proprietary educational institution sa 1% ng kanilang nabubuwisang kita hanggang Hunyo 2023.

Ito ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 10 noong nakaraang taon at malaki ang naitulong sa mga pribadong paaralan at Filipino educators sa gitna ng pandemya.

Sa kanyang video message, kinilala ni Go ang mga hamon na kinakaharap ng mga institusyong pang-edukasyon sa panahon ng pandemya at inulit ang pangangailangan para sa mas malakas na suporta ng gobyerno upang matiyak na ang sektor ng edukasyon ay patuloy na naghahatid ng dekalidad na edukasyon sa mga estudyanteng Pilipino.

Iginiit ni Go na mananatiling matatag ang pamahalaan sa pagsuporta at pagpapalakas sa sektor ng edukasyon upang matiyak na ang mga pribadong paaralan ay masusustento ang kanilang mga kawani at makakuha pa ng mga guro sa kabila ng pandemya ng COVID-19.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with