^

Bansa

300 Pinoys na dumarating sa bansa positibo sa COVID-19

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
300 Pinoys na dumarating sa bansa positibo sa COVID-19
Ayon kay Bureau of Quarantine (BOQ) Deputy Director Roberto Salvador Jr. na ang nasabing bilang ay 10 hanggang 14 porsiyento ng 3,000 na biyahero na dumarating sa Pilipinas araw-araw.
Krizjohn Rosales and Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nasa 300 overseas Filipinos ang dumarating sa bansa araw-araw ang positibo sa COVID-19.

Ayon kay Bureau of Quarantine (BOQ) Deputy Director Roberto Salvador Jr. na ang nasabing bilang ay 10 hanggang 14 porsiyento ng 3,000 na biyahero na dumarating sa Pilipinas araw-araw.

“Sa ngayon po ang average natin per day na arrivals, ‘yung capacity natin, is 3,000. Ang nagpopositive every day is close to 300, so approximately, 10 percent to 14 percent ang nagpopositive sa arrivals nating mga Pilipino,” ani Salvador.

Nilinaw din ng BOQ na tumatanggap sila ng positive result ng RT-PCR.

Idinagdag ni Salvador na hindi nila inaasahan ang sobrang pagtaas ng mga nagpositibo simula noong Disyembre hanggang sa ikalawang linggo ng Enero.

Nagsimula na rin aniyang magbukas ang BOQ ng mas maraming isolation facilities para sa mga nagpo-positibo pagdating sa bansa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with