^

Bansa

Kaso ni Lolo Narding, pang barangay lang dapat- solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kaso ni Lolo Narding, pang barangay lang dapat- solon
Photo of an 80-year-old man named Narding Floro who was arrested after he allegedly stole mangoes from his neighbor.
PIO Asingan via The STAR

MANILA, Philippines — Hindi na dapat ipinaabot sa presinto dahil pang barangay lamang nireresolba ang usapin ni Lolo Narding Floro, ang 80-anyos na inaresto at kinasuhan sa Pangasi­nan noong Biyernes dahil lamang umano sa pagnanakaw ng ilang kilo ng mangga na itinanim nito.

“Nahabag ako sa sinapit ni Lolo Narding Floro na kinasuhan ng kapitbahay at inaresto ng PNP sa  Pangasinan na kinalaunan ay kinailangan pang magpiyansa,” pahayag ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes.

“Pang-barangay lamang ang nangyari pero pinalaki na nang husto ng may-ari ng lupa kung saan pinitas umano ang sampung kilong mangga. Iyon palang malaking kawalan na ng hustisya, tapos itong mga PNP Asingan hindi man lang nag-isip sapagkat maaari naman nilang ipaubaya sa Barangay Chairman ang sitwasyon para hindi na lumaki ang isyu,” anang Kongresista.

Nabatid na nakalaya na ang Octogenarian matapos mag-ambag ang mga pulis para piyansahan ang matanda ng P6,000.

Sinabi ni Ordanes, Chairman ng House Committee on Senior Citizens na maari namang gamitin ng mga pulis ang kanilang diskresyon lalo pa at minor na offense lamang ang ipinaparatang sa lolo.

“Katarungang pambarangay na usapin lang dapat iyan, pero pinatulan ng pulis. This is not the first time hapless seniors are harassed and unjustly treated harshly,” anang Kongresista.

Binigyang diin ni Ordanes na ito ang dahilan kung bakit niya isinusulong ang panukalang batas laban sa pang-aabuso sa mga matatanda.

Samantalang hiniling din ni Ordanes kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na panghimasukan ang kasong ito saka atasan ang Asingan Police at Brgy. Chairperson na iimplementa at irespeto ang Katarungang Pambarangay sa mga kaso na naabuso ang mga matatanda.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with