^

Bansa

5 rehiyon nasa ‘critical risk’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 rehiyon nasa �critical risk�
San Juan de Dios Hospital in Pasay City displays full capacity for COVID-19 cases sign on Jan. 14, 2022.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Limang rehiyon sa bansa ang nasa critical case risk classification sa COVID-19, kabilang ang National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga rehiyon ay ang NCR, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), at Central Luzon.

“Lahat ng ating regions sa country ngayon ay may high-risk risk classification. Mayroon tayong limang areas sa bansa na critical ang case risk classification. Ito ang NCR (National Capital Region), Region 4A, Region 2, CAR, and Region 3,” ani Vergeire sa Laging Handa public briefing.

Samantala, may ilan pang rehiyon ang nakikitaan na ng pagtaas ng two-week growth rate ng mga bagong kaso ng COVID-19.

“Sa ngayon, nakikita natin ‘yung mga karatig na bahagi ng National Capital Region katulad ng Region 4A, Region 3, CAR, and Regions 6, 8, 5, halos lahat talaga ay may pagtaas sa ngayon ng kanilang two-week growth rate and their average daily attack rate,” dagdag pa niya.

Ani Vergeire, ang trend ng COVID-19 cases sa iba pang rehiyon ay kahalintulad ng trend ng impeksiyon sa NCR sa pagsisimula nang pinakahuling surge.

Una nang sinabi ni Vergeire na may community transmission na ng Omicron sa NCR.

“Kapag tiningnan natin ito, mukha talagang darating ang panahon na madi-displace na at magiging Omicron variant and dominant variant sa ating bansa kung magtutuloy-tuloy ang ganitong transmission,” aniya pa.

vuukle comment

CAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with