^

Bansa

Bawal bisita sa bahay sa alert level 3 - Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Malacañang sa publiko na bawal papasukin sa loob ng tahanan ang mga kakilala o kaibigan na hindi nakatira sa kanilang bahay.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, napagdaanan na ang nasabing paghihigpit at kailangan lang muling ipatupad upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“We’ve been through this before. Ang kaibahan lang is we came from a high alert level, then we went down to Alert Level 3 and then to 2... We again have to relearn. ‘Wag po tayong pumayag na may pumasok sa residences na hindi taga-doon,” ani Nograles.

Ang National Capital Region ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 3 simula Enero 3 - 15, 2022.

Hindi pinapayagan sa Alert Level 3 ang face-to-face classes, contact sports, live concert at wind instrument performances.

Muling magpupulong ang Inter-Agency Task Force sa Martes upang tingnan kung may dapat baguhin sa mga polisiya.

Sa pinakahuling data ng Department of Health noong Linggo, nasa 49.85 milyon mamamayan na ang kumpleto ang bakuna samantalang nasa 57.15 milyon ang nakatanggap ng unang dose.

vuukle comment

MALACAñANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with