^

Bansa

CPP-NPA-NDF persona non grata na sa 74 probinsiya

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ang deklarasyong persona non grata sa maraming probinsiya sa bansa ang mga komunistang terorista ay indikasyon ng huling kabanata ng  paghahari-harian ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay DILG Asst. Dir. Rene Valera, patunay ito na 74 sa 81 probinsiya ay nakapag-pasa na ng mga resoluyon na persona non grata na ang mga CPP-NPA-NDF sa kanilang mga lugar. Sa 74 na probinsiya, 26,353 ang barangays, 1,436 munisipalidad at 110 siyudad sa buong bansa.

Si Valera na kinatawan din ng NTF-ELCAC para sa Local Government Empowerment Cluster, Basic Services Cluster, at Local Peace Engagement Cluster at maging ng Barangay Development Program (BDP) ay naghayag din na 74 probinsiya ay nabigyan na ng ‘orientations’ para sa pagproseso ng BDP, na nakalaan sa 1,406 mga barangay para sa 2022.

Nabatid naman kay Navy Capt. Ferdinand Buscato, Executive Director ng Task Force Balik-Loob ng NTF-ELCAC ang kabuuang 20,579 mga da­ting rebelde ang mga nagsisuko na simula pa 2016 habang 25,942 mga dating rebelde na nakapagtapos ng iba’t ibang mga kurso ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang palakasin ang kanilang mga kapasidad sa pagbabalik bilang mamayang muli ng mga komunidad.

Nilinaw ni Buscato na pagkakaiba ng bilang ay dahil maging ang mga kaanak ng mga dating rebelde ay napag-aral din.

vuukle comment

NTF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with