^

Bansa

Nadisgrasya ng papaputok tumalon sa 30 isang araw bago New Year

Philstar.com
Nadisgrasya ng papaputok tumalon sa 30 isang araw bago New Year
A man buys fireworks at a store in Bocaue, Bulacan yesterday.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Hindi pa man naghihiwalay ang taong 2021, tumuntong na sa 30 ang naitatalang fireworks-related injuries sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

"Ngayong New Year's Eve, Disyembre 31, naitala ng DOH ang apat (4) na panibagong kaso ng fireworks-related injuries (FWRI). Sa kabuuan, 30 na ang total na kaso ng FWRI," ayon sa DOH, Biyernes.

"Lahat ng kaso ay fireworks-related injury."

Ito'y 76% increase mula sa 17 cases na naitala noong ika-31 ng Disyembre noong taong 2020.

Ilan sa mga parte ng katawan na tinamaan ay:

  • kamay (13)
  • ulo (9)
  • mata (8)
  • leeg (5)
  • dibdib (4)

Wala pa rin namang naiuulat na nakalunok ng paputok, at wala pa rin namang tinatamaan ng ligaw na bala kaugnay ng holiday festivities.

"Wag nang dagdagan pa ang mga bilang ng kaso! Sumali na lang tayo sa community fireworks displays, 'wag lang kalimutan ang mga safety guidelines. O kung sa bahay lang tayo, magpatugtog na lang ng musika at ibang noise-makers," paalala ng DOH kanina.

"#IwasPaputok mamayang pagsalubong sa Bagong Taon para sa #LigtasChristmas sa #HealthyPilipinas!"

Ngayong buwan lang nang sabihin ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos na maghihigpit sila sa pagpapatupad ng Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na ipinasa taong 2017.

Sa ilalim nito, nililimitahan ang paggamit ng paputok sa mga "community fireworks display" upang maiwasan ang mga injury at pagkamatay, maliban sa ilang subject sa mga batas, panuntunan at regulasyon. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRECRACKER

FIREWORKS

NEW YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with