^

Bansa

Libreng tulong legal sa mahihirap na Pinoy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Libreng tulong legal sa mahihirap na Pinoy
Commuters are seen queueing in this October 1, 2020 photo.
The STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nais ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na mabigyan ng libreng tulong legal ang mas maraming mahihirap na Pilipino.

Sinabi ni Diokno na kulang na kulang ang kapasidad ng Public Attorney’s Office para magbigay ng libreng tulong legal sa mga nangangailangang Pilipino.

Ayon kay Diokno, dapat madagdagan din ang pribadong grupo na nagbibigay ng libreng tulong legal sa ating mga kababayan na walang pambayad sa abogado.

Sinabi pa ng human rights lawyer na dapat magbukas din ng pintuan ang mas mara­ming mga abogado at ang legal community sa pagbibigay ng libreng tulong legal.

Si Diokno ang kasalukuyang pinuno ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga biktima ng pang-aabuso at mahihirap na Pilipino.

Nagtatag si Diok­no ng libreng legal help desk ngayong pan­demya para matugunan ang mga katanungang legal ng mahihirap na Pilipino na walang kakayahang lumapit sa abogado.

Sa huling siyam na buwan, nakatugon ang free legal helpdesk sa mahigit 19,000 katanungang legal na ipinadala ng ating mga kababayan.

vuukle comment

CHEL DIOKNO

LEGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with