^

Bansa

7 biyahero mula South Africa 'di pa rin mahagilap sa gitna ng COVID-19 Omicron threat

James Relativo - Philstar.com
7 biyahero mula South Africa 'di pa rin mahagilap sa gitna ng COVID-19 Omicron threat
File photo ng mga naka-face mask laban sa COVID-19 habang nasa isang paliparan
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Hindi pa rin mahanap ng mga otoridad ang pitong biyaherong nagmula sa isang bansang kumpirmadong may bagong variant ng COVID-19 na kinatatakutan nang marami.

Ang mga nabanggit ay pawang nagmula sa South Africa, ang bansang unang nakitaan ng diumano'y mas nakahahawang Omicron variant na posibleng nakapagpapababa rin daw ng epekto ng mga bakuna.

"As of December 6, 2021, there are [seven] remaining unlocated travelers from South Africa and all were returning overseas Filipinos," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Miyerkules, sa isang pahayag.

Hindi makontak ang pito dahil sa mga nabanggit na dahilan:

  • agency number at hindi personal na number ang ibinigay (3)
  • maling numero ang ibinigay (1)
  • kulang ang numerong ibinigay (1)
  • hindi talaga makontak (2)

Sinasabing umuwi ng bansa ang mga naturang Pilipino sa pagitan ng ika-15 hanggang ika-29 ng Nobyembre. Nagpatupad ng travel ban ang 'Pinas sa South Africa bago magtapos ang Nobyembre ngunit pinayagan makapasok ng bansa ang mga travelers kung "in transit" na o dumating bago ika-28 ng buwang 'yon basta't nag-quarantine ng dalawang linggo.

"We are continuously getting in touch with our local government units and other partners to be able to contact these individuals," patuloy ni Vergeire.

Una nang sinabi ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA Research Group, na "dalawang beses na mas maaaring maipasa ang COVID-19 Omicron variant" kumpara sa mas nakahahawa na ngang Delta variant.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Vergeire nitong Lunes na kailangan pa rin ng karagdagang mga pag-aaral dito. Ayon sa DOH, posibleng umabot pa ng isa hanggang dalawang linggo bago makapaglabas ng kumpletong ebidensya para rito.

May parusa kung sinadya maling impormasyon

Inilinaw ng DOH na posibleng maparusahan sa ilalim ng Republic Act 11332 ang mga nabanggit kung mapapatunayang sinadyang magbigay ng maling personal na impormasyon ngayong nag-iingat ang gobyerno sa pagpasok ng Omicron variant.

[Sa] RA ng Notifiable diseases and ung health declaration forms once we sign it are attested dapat to be true," ani Vergeire sa Viber group ng mga reporters.

Pwedeng pagmultahin ng hindi lalagpas sa P50,000 at/o kulong na hindi lalagpas sa anim na buwan ang mga nabanggit kung mapatunayang nagbigay ng maling contact information sa pamahalaan.

Isang traveler nahanap, negatibo

Una nang sinabi ng DOH na walo ang mga hindi ma-locate na travelers, ngunit nakita na rin daw ang nabanggit kalaunan.

"The located ROF is currently in home quarantine, with negative RT-PCR test, and no symptoms," sabi pa ni Vergeire.

Una nang sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na umabot sa 253 biyahero ang nagmula sa South Africa sa pagputok ng isyu sa Omicron variant, at karamihan naman ay na-track na.

Aabot na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling ulat ng gobyerno nitong Martes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 49,499 katao.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with