^

Bansa

Vaccination itataas sa 100% ng populasyon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vaccination itataas sa 100% ng populasyon
Individuals line up for Astrazeneca vaccine at Batasan National Highschool in Brgy. Batasan Hills in Quezon City during the last day of the government's three-day vaccine campaign on Dec. 11, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal na virus strain o SARS-CoV-2.

“Yung 70% ’yun ’yung sa original strain ng virus natin ’yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” paliwanag ni Vega.

Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, mahigit 37 milyong katao na ang fully-vaccinated hanggang nitong Disyembre 4.

Bunsod naman ng banta ng Omicron variant sa bansa, hinikayat muli ni Vega ang publiko na magpabakuna na.

Iginiit niya na epektibo pa rin ang mga bakuna maging sa Omicron variant dahil sa maiiwasan ang malubhang epekto ng COVID-19 at pagpapaospital.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with