^

Bansa

Pinas No. 4 sa mundo sa pagbabakuna

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas No. 4 sa mundo sa pagbabakuna
Individuals line up for Astrazeneca vaccine at Batasan National Highschool in Brgy. Batasan Hills in Quezon City during the last day of the government's three-day vaccine campaign on Dec. 3, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na nasa ikaapat na ranggo ngayon ang Pilipinas pagdating sa daily rate ng COVID-19 vaccines na naipamamahagi sa publiko.

Sinabi ni Duque na nakamit ito makaraang maka­pagturok ng 2.7 milyong doses ng bakuna nitong Nob­yembre 29 sa inilunsad na National Vaccination Day na pinalawig hanggang kahapon.

Posible pa umano na mag-number 1 ang Pilipinas kung ikukumpara ang total na populasyon ng bansa sa mga bansang nanguna.

“Number one tayo kasi 110 million lang tayo [kumpara] sa India and China na nasa 1 billion ang population. Kaya I hope we are able to sustain the momentum,” ayon kay Duque.

Umabot sa 7.6 milyon ang kabuuang nabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 na kapos sa target na 9 na milyon.  Dahil dito, pinalawig ang programa hanggang Disyembre 3.

Base sa “Our World in Data”, nasa unahan ng Pilipinas ang China na may 22 milyong doses kada araw, India na may 10 milyong doses at Estados Unidos na may 3.4 milyong doses.

Base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard ng DOH, higit sa 90.2 million doses na ang naipamahagi ng pamahalaan hanggang nitong Disyembre 2.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with