^

Bansa

Abogado ng bayan’ giit dagdagan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Abogado ng bayan� giit dagdagan
Candidates in 2022 polls should bare SALN â?? Chiz
Photo from Chiz Escudero via Facebook

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sorsogon Gov. at senatorial aspirant Chiz Escudero ang panga­ngailangang madagdagan ang mga abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) upang mabigyan ng legal assistance ang mga Pilipino na hindi kayang kumuha ng sarili nilang abogado.

Sinabi ni Escudero, na naging chairman ng Se­nate Committee on Justice and Human Rights mula 2007 hanggang 2013 noong siya’y senador pa, na dapat gumawa ang PAO ng mga programa upang makahikayat ng mas maraming abogado na maglilingkod sa publiko.

“Napakarami sa ating mga kababayan ang na­ngangailangan ng libreng abogado mula sa PAO. Dapat itong matugunan ng pamahalaan upang masiguradong mabilis na gumugulong ang hustis­ya,” pagbibigay-diin ni Escudero kasabay ng kanyang pagbanggit sa isang bagong ulat na nagsasabi na 5,300 kliyente ang hinahawakan ng isang PAO lawyer kada taon.

Binigyang-diin pa ng dating senador na isa ring abogado, dapat hati-hatiin ang mga PAO lawyer base sa rami ng mga kaso sa mga Regional Trial Court branch upang masolusyunan na ang mga nakabinbing kaso.

vuukle comment

PAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with