Youth arm sa Robredo-Kiko campaign inilunsad
MANILA, Philippines — Mahigit 600 kabataan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagtatag ng youth arm para sa kampanya nina presidential candidate at Vice President Leni Robredo at vice presidential aspirant at Senador Kiko Pangilinan sa 2022 elections.
Tinawag na “Kabataan para sa Team Robredo-Pangilinan (KaTRoPa), inilunsad ang grupo noong Bonifacio Day (Nov. 30) dala ang layunin na pag-isahin ang lahat ng youth leaders at mga organisasyon sa pagsuporta sa Robredo-Pangilinan tandem para matiyak ang kanilang panalo sa hanay ng mga kabataan.
“It is high time for the youth to unify with one collective voice in the greatest battle of our generation so far,” wika ni KaTRoPa National Convenor Ed Faraon.
Ayon kay Faraon, may nabuo na silang chapters sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Bulacan, National Capital Region, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, Iloilo at Cebu.
Inilunsad ang KaTRoPa noong Bonifacio Day bilang pagkilala sa kahalagahan ng sektor ng kabataan sa pulitika dahil 54.5 porsiyento ng kabuuang registered voters para sa 2022 elections ay galing sa kanilang hanay.
“Gaya nang sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan, ang kabataan ang mitsa ng pagbabago. Ipakita natin ang lakas ng hanay natin sa 2022,” wika ni dating USC Chairperson at KaTRoPa national spokesperson Ronald Gem Celestial.
- Latest