^

Bansa

COVID-19 booster shots ng 'general adult population' aprubado na, ayon sa FDA

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 booster shots ng 'general adult population' aprubado na, ayon sa FDA
People cross a street to shop in the Divisoria district of Manila on November 30, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Aprub na sa Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots para sa lahat ng mga nasa wastong gulang na, desisyong ginawa ngayong nagbabadya ang banta ng heavily mutated at diumano'y mas nakahahawang Omicron variant.

Lunes pa raw ito naaprubahan, ayon sa naturang ahensya ngunit Department of Health (DOH) na raw ang magdedesisyon kung kailan ito sisimulang iturok sa mga 18-anyos pataas.

"Yes, approved. Same brands. DOH will decide when to start [inoculating people aged 18-years-old and above]," wika ni FDA director general Eric Domingo sa panayam ng Philstar.com, Miyerkules.

"Approved [last] Monday, Nov. 29." 

Kasama sa mga brands na pahihintulutang gamitin para sa mga nabanggit ay ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Gamaleya Sputnik at Janssen.

Lahat ng brands ay kailangang ibigay anim na buwan matapos ibigay ang huling dose ng primary vaccination — maliban sa Janssen na pwede agad ibigay matapos ang tatlong buwan.

Una nang naglabas ang DOH ng iminumungkahing kombinasyon ng booster combinations, lalo na't pwedeng iba ang brand ng booster at primary series.

Unang ibinigay ang booster doses para sa mga healthcare workers nitong ika-17 ng Nobyembre, sa dahilang sila ang unang nabigyan ng bakuna. Dahan-dahan kasing bumababa ang bisa ng nasabing gamot habang lumalaon ang panahon.

Ika-22 ng Nobyembre naman nang magsimulang iturok ang COVID-19 booster shots para sa mga senior citizens habang binigyan naman ng additional dose ang ilang immunocompromised.

Sa taya ng DOH nitong Martes, aabot na sa 313,836 ang nabibigyan ng booster doses sa Pilipinas. Aabot na sa 86.42 milyong COVID-19 vaccines na ang naibibigay sa Pilipinas simula nang igulong ito noong ika-1 ng Marso, 2021.

Papalo na sa 2.83 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, yon sa Kagawaran ng Kalusugan kahapon. Sa bilang na 'yan, patay na ang 48,545.

vuukle comment

BOOSTER SHOT

COVID-19 VACCINES

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with