VAT exemption, 10% discount sa kuryente, tubig ng seniors aprub sa House panel
MANILA, Philippines — Inaprubahan na kahapon sa tax panel ng Kamara ang Value Added Tax (VAT) exemption at malaking diskuwento rin sa bayarin sa kuryente at tubig ng mga senior citizens.
Ang House Bills 1903 at 3040 ay pinagtibay ng Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda kung saan mabibigyan ng 10% discount ang mga senior citizens sa bayarin sa tubig at kuryente. Libre rin sa VAT ang mga senior citizens.
Sa konsumo sa kuryente, ang itinatakdang cap ay itinaas mula 100 kilowatt hours hanggang 150 habang sa tubig ay hanggang 30 cubic meters.
“The measure explicitly states that the senior has to be living in the household subject to the exemptions and discounts,” anang tax panel.
- Latest