^

Bansa

3 days bakunahan arangkada na

Joy Cantos, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila na kulang ng may 51,000 volunteers ay handa na ang gobyerno sa tatlong araw na national vaccination drive na aarangkada simula ngayon.

Sinabi ni National Task Force Against Covid-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na ready to roll out na ang bakunahan na tatagal hanggang Dis­yembre 1.

Mayroon umano silang halos 18,000 volunteers at nangako na rin ang ilang ahensiya ng gobyerno na tutulong ang kanilang mga personnel.

Nasa 38 milyon doses ng bakuna ang nakalatag para sa tatlong araw na vaccination kontra COVID-19.

Ayon kay vaccine czar at NTF chief Implementer Carlito Galvez, target ng gobyerno na makapagbakuna kada araw ng 9 milyon kaya sobra-sobra ang bakuna. Magsisilbing vaccination sites ang mga simbahan at eskuwelahan.

Paliwanag pa ni Gal­vez, nabisita na rin nila bilang preparasyon ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno sa Region 4A at Region 3.

Handang-handa na rin umano ang NTF, NGOs, volunteers para sa ikatatagumpay ng vaccination days na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan”.

Samantala, aabot sa 37 Medical team ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang idedeploy sa mga liblib na lugar kaugnay pa rin ng 3 araw na vaccination day.

Ayon kay Col. Fatima Claire Navarro, AFP Surgeon General, tutulong sila sa pagbabakuna sa GIDAS (Geographically Isolated and Disadvantaged Areas) o yaong mga mahihirap marating tulad ng mga isla, kabundukan at mga komunidad ng IPs (Indigenous Peoples) o mga katutubo.

Aniya, importanteng maipaliwanag sa mga ka­tutubo ang kahalagahan ng bakuna sa kanilang proteksyon.

Muling magkakaroon ng national vaccination drive sa Disyembre 15-17 para tulungan ang gobyerno sa target na fully vaccination ng 54 million Filipinos sa katapusan ng taon.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with