^

Bansa

Dagdag honoraria sa mga guro sa 2022 polls, hirit ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dagdag honoraria sa mga guro sa 2022 polls, hirit ng DepEd
Ito, ay kahit pa una nang inilabas ng Comelec kamakailan ang ina­prubahan nilang dagdag na honoraria para sa mga guro, bilang antisipasyon sa mas mahabang voting hours sa araw ng halalan.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hihirit ang Department of Education (DepEd) na madaragdagan pa ng ?2,000 ang honoraria na ipagkakaloob ng Commission on Elections (Comelec) sa mga gurong magsisilbing poll workers sa nalalapit na national and local elections sa susunod na taon.

Ito, ay kahit pa una nang inilabas ng Comelec kamakailan ang ina­prubahan nilang dagdag na honoraria para sa mga guro, bilang antisipasyon sa mas mahabang voting hours sa araw ng halalan.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, bagama’t mas mababa sa kanilang inaasahan, ay na-appreciate naman nila ang adjusted rates para sa honoraria ng mga guro.

Gayunman, plano aniya nilang makipag-ugnayang muli sa Comelec para sa posibleng pagdaragdag pa ng honoraria at iba pang allowance at benepisyo para sa mga gurong magsisilbi bilang poll workers.

Nauna rito, noong Hunyo 2021, iminungkahi ng DepEd ang P9,000 para sa mga Chairpersons; P8,000 sa mga miyembro ng EB; P7,000 sa DepEd Supervisor Official (DESO); at P5,000 sa Support Staff.

Hiniling din ng DepEd ang pagkakaroon ng health insurance para sa mga mahahawaan ng virus.

Samantala, base sa COMELEC Resolution No. 10727, ang mga guro na magbibigay serbisyo sa eleksyon ay may karapatan para sa mga sumusunod na honoraria: Chairperson ng Electoral Board (EB) - P7,000; mga miyembro ng EB - P6,000; DepEd Supervisor Official - P5,000; at Support Staff - P3,000.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with