^

Bansa

Pagmamay-ari sa WPS dapat igiit ng gobyerno

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno sa pamahalaan na maging consistent sa paggiit sa pagmamay-ari sa West Philippine Sea, dahil krusyal ang teritoryong ito sa food security ng bansa.

Ginawa ni Diokno ang pahayag kasunod ng pagbanat ni Pangulong Duterte sa ginawang pagbomba ng tubig ng China sa dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala ng supply sa mga sundalong Pilipino na naka-istasyon sa Ayungin Shoal.

Ngunit sinabi ni Diokno na hindi puwedeng asahan ang pahayag na ito ng Pangulo dahil madalas ay paiba-iba ang kanyang sinasabi.

Iginiit ni Diokno na nais ng taumbayan na magkaroon ng matibay na polisiya ang bansa pagdating sa West Philippine Sea.

Ayon kay Diokno, ang West Philippine Sea ay isyu hindi lang ng pulitika kundi pati ang seguridad ng pagkain ng bansa.

Muli ring inulit ng human rights lawyer ang naunang panawagan nito na pumasok ang Pilipinas sa isang multilateral agreement sa mga kalapit bansa na may interes din sa lugar.

vuukle comment

CHEL DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with