^

Bansa

China ang trespassing sa Ayungin Shoal - Lorenzana

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
China ang trespassing sa Ayungin Shoal - Lorenzana
Ilang Chinese vessels umatras na sa Ayungin Shoal Philippine Navy's BRP Sierra Madre has been grounded on Second Thomas or Ayungin Shoal in the West Philippine Sea since 1999. CSIS / AMTI via DigitalGlobe
CSIS / AMTI via DigitalGlobe

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Defense Secretary ­Delfin Lorenzana na “trespassing”  ang China sa Ayungin Shoal at walang karapatan  ang mga ito dito.

Ang pahayag ng kalihim ay matapos sabihin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian na dapat nang alisin ng Pilipinas ang nakasadsad na BRP Sierra sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Lorenzana, may soberanya ang Pilipinas sa Ayungin Shoal dahil pasok ito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Paliwanag ni ­Lorenzana, 1982 pa na-award ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang EZZ ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kung kaya’t malaya tayong gawin ano man ang gusto nating gawin sa lugar.

Pagdidiin pa ng kalihim, dapat kilalanin ng China ang UNCLOS dahil pumirma sila sa kasunduan.

Maliban dito, ay wala aniyang legal o historical claim ang China sa lugar base sa ruling ng Arbitral Tribunal.

Kaya dalawa aniya ang dokumentong hawak ng Pilipinas na patunay ng pag-aari ng bansa sa Ayungin Shoal.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with