^

Bansa

Kiko: Drivers ng tricycle, taxi, ride-hailing at ­delivery service isama sa Pantawid Pasada

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan na maisama sa Pantawid Pasada Program (PPP) ng pamahalaan ang mga driver ng tricycle, taxi, ride hailing at delivery services upang mabawasan din ang kanilang pasanin sa mataas na presyo ng gasolina.

Sa 2022 budget, may nakalaang P5 bilyon para sa fuel subsidy ng mga lehitimong public utility jeepney (PUJ) franchise grantees sa ilalim ng kasalukuyang probisyon ng TRAIN Law.

Ayon kay Pangilinan, pinag-aaralan na niya ang paglalagay ng ­espesyal na probisyon para maisama ang mga driver ng tricycle, taxi, ride hailing at delivery services sa nasabing ayuda.

Sang-ayon naman si Sen. Grace Poe, ang sponsor ng 2022 budget ng Department of Transportation, sa panukala ni Pangilinan.

Umaasa naman si Pangilinan na matutukoy ng pamahalaan ang mga pinaka-nangangailangang drivers pagdating sa pagpapatupad ng Service Contracting Program.

Sa ilalim ng panukalang 2022 budget, may nakalaang P10 bilyong budget sa Service Contracting Program para sa halos 50,000 PUV drivers.

Tumatakbo si ­Pangilinan bilang bise presidente ni Leni Robredo sa ­darating na halalan sa 2022.

vuukle comment

PPP

PUJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with