Diokno handang maka-debate si Duterte
MANILA, Philippines — Handa si senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na makaharap si Pangulong Duterte sa isang pampublikong debate sa pagitan ng mga kandidatong senador sa 2022.
“Kailan ang debate? I would love to have a debate with the President or with anyone else who is running for the Senate,” wika ni Diokno sa isang panayam sa telebisyon.
Naghain si Duterte ng certificate of candidacy bilang senador sa huling araw ng substitution noong Nobyembre 15.
Hindi nagtakda ang Commission on Elections ng debate sa pagitan ng senatorial candidates, ngunit hahayaan nito ang pribadong sektor na magkasa ng debate sa hanay ng senatoriables.
Ayon kay Diokno, ang debate sa pagitan ng mga kandidatong senator ay pinakamagandang paraan para malaman ng mga botante kung sinu-sino ang kuwalipikado sa posisyon.
“After all, that’s what we’re going to be doing if ever we are elected. We will be debating bills and passing laws,” ani Diokno.
- Latest