^

Bansa

Pagiging simple ni Diokno hinangaan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lubos ang kaligayahan ng isang volunteer ng “Cebu for Chel Diokno” nang ibahagi niya ang karanasan kasama ang senatorial candidate at human rights lawyer na si Chel Diokno sa pagbisita nito sa Cebu City kamakailan.

Sa isang Facebook post, inilarawan ni Kheena Thrisia Ligas, ang head volunteer ng Cebu for Chel, si Diokno bilang mapagkumbabang tao dahil wala itong kasamang bodyguard, maliban pa sa pagiging malapit sa mga tao.

Ayon kay Ligas, kinuha siya para mag-arrange ng meet-up kay Diokno kasama ang iba pang volunteers sa pagbisita nito sa Cebu City.

Hindi gaya ng ibang kandidato, nagulat si Ligas nang makita niya si Diokno na naglalakad na walang kasamang security.

Nagulat din siya nang magpasya si Diokno na maupo sa labas ng isang coffee shop, sa halip na maghanap ng mamahaling lugar, para gawin ang isang interview.

Nakasakay din si Ligas at iba pang volunteers sa at pagkatapos, nilibre ni Diokno ang mga volunteer ng hapunan, kung saan kasama sa kanilang kinain ang mga specialty ng Cebu gaya ng lechon at tuslob buwa.

“Atty. Diokno has a good track record and can also contribute a lot in the Senate,” wika pa niya.

vuukle comment

CHEL DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with